Sarado na ang pag-recruit ng pasyente para sa TAP Study. Nagre-recruit pa rin kami ng mga provider o mga doktor para kumpletuhin ang isang maikling survey.

Ilang tao ang inyong tatanongin sa interbyu?

Humigit-kumulang sa 1315 na mga tao ang sasali sa TAP study. Ang pag-aaral na ito ay may dalawang yugto. Sa unang yugto, kakausapin ng mga tagapanayam (interviewer) ang halos 45 na pasyente at 15 mga doktor sa harap-harapang interbyu. Sa pangalawang yugto, ang mga kalahok ay mabibigyan ng opsyon na kumpletuhin ang survey sa telepono, koreo o sa internet. 

Paano nakikilala ang mga taong may cancer?

Sa California, ang mga taong nasuriang may cancer ay nakalista sa California Cancer Registry (CCR). Dahil ang cancer ay itinuturing sakit na kailangang ipagbigay-alam (reportable disease), sa batas ng estado (state law), kailangang itong i-report ng mga doktor, ospital at iba pang mga lugar na sumusuri at gumagamot ng cancer. Sinisiguro ng CCR na protektado ang mga karapatan at pagkapribado ng lahat ng aming mga potensyal na kalahok sa pananaliksik.

Gaano katagal ang pag-aaral?

Ang pag-aaral ay isasagawa ng limang (5) taon.

Paano gagamitin ang impormasyong ibibigay ko sa inyo? 

Ang impormasyon ay gagamitin para sa pagpapabuti ng aming kaalaman sa kung paano ang pagdidisisyon ng mga kalalakihan ayon sa kanilang prostate cancer diagnosis at paggagamot.

Paano kung ayaw kong sagutin ang lahat ng mga tanong?

Hindo ninyo kailangang sagutin ang lahat ng mga katanungang hindi ayon sa inyo o ayaw ninyong sagutin. Subalit, ang bawat tanong ay mahalaga sa tagumpay ng pag-aaral, at mananatiling kompidensyal ang inyong mga sagot.

Maari ba akong makakuha ng kopya ng resulta sa pag-aaral?

Kapag available na ang mga resulta, maari naming idagdag ang inyong pangalan sa aming listahan ng mga makakatanggap ng resulta. Malamang hindi pa makumpleto ang mga resulta hangga’t sa pagtapos ng 2022.

Paano maiingatan ang aking pribadong buhay (privacy)?

Lahat ng impormasyong makokolekta sa pag-aaral na ito ay gagamitin lamang sa aming pananaliksik at mananatiling kompidensyal. Para maprotektahan ang inyong pribadong buhay o privacy, maaatasan kayo ng numerong tanging sa inyo lamang. Hindi maiuugnay ang inyong pangalan sa mga sagot ninyo, hindi rin ito makikita sa anumang report. Ang mga kompidensyal na impormasyon at detalye tungkol sa pag-aaral ay kailangang itago sa nakakandadong file (locked file).

Sino ang nagbigay ng pondo nitong pag-aaral?

Ang National Institutes of Health (NIH) ang nagbibigay ng pondo sa pag-aaral na ito.